Itakda ang Inyong Appointment

Ipaalam sa amin kung kayo ay bago o nagbabalik na pasyente.

Ibahagi ang Iyong Opinyon

Mahalaga sa amin ang inyong opinyon at nakakatulong ito upang mapabuti ang aming mga serbisyo.

Mga Kumpirmadong Appointment

TOTAL

Naglo-load ng listahan...

Support Ticket Form

Check Ticket Status & Reply

Appointments Handled

Health & Wellness Guide

Essential health information and guidelines from our specialists.

GENERAL HEALTH

GERD at Acid Reflux: Hapdi ng Dibdib, Hindi Puso ang May Sakit

Naranasan mo na bang dighay nang dighay na parang may pait o asim sa lalamunan? O kaya naman ay ang tinatawag na "Heartburn" o hapdi sa gitna ng dibdib? Ito ay senyales ng GERD (Gastroesophageal Reflux Disease). Bakit Ito Nangyayari? Sa dulo ng ating lalamunan (esophagus) papunta sa tiyan, may valve na nagsasara para hindi umakyat ang pagkain. Sa GERD, humihina o bumubuka ang valve na ito kaya umaakyat ang asido mula sa tiyan, dahilan para mapaso ang iyong lalamunan. Mga Nagpapalala ng GERD: 1. Pagkain: Maanghang, mamantika, tsokolate, kape, at softdrinks. 2. Bisyo: Paninigarilyo at alak. 3. Ugali: Ang paghiga agad pagkatapos kumain. Tips Para Iwas-Hapdi: • Small Frequent Meals: Huwag magpakabusog nang sobra. Mas mainam ang pakonti-konting kain pero madalas. • 3-Hour Rule: Huwag hihiga sa loob ng 3 oras pagkatapos kumain. Hayaang bumaba muna ang kinain. • Elevate: Kapag matutulog, taasan ng konti ang unan para hindi makaakyat ang acid. Kung ang pananakit ng dibdib ay may kasamang pagpapawis nang malamig, hirap huminga, at sakit na gumagapang sa kaliwang braso o panga—pumunta sa ER dahil baka sa puso na 'yan.

Read Full Article
EMERGENCY HEALTH

Rabies: 100% Nakamatay, Pero 100% Maiiwasan

Sa Pilipinas, daan-daan pa rin ang namamatay taon-taon dahil sa Rabies. Ang nakakalungkot, marami dito ay mga bata. Ang Rabies ay isang virus na umaatake sa utak. Ang nakakatakot dito: Once magkaroon ka ng sintomas, 100% itong nakamatay. Walang gamot na makakapagpagaling sayo kapag nagsimula ka nang matakot sa tubig o hangin. Maling Paniniwala (Tandok at Bawang): Huwag na huwag magpapatawas, magpapatandok, o maglalagay ng bawang sa sugat. Ang Tandok (paghigop ng bato o sungay sa sugat) ay hindi nakakatanggal ng virus at pwedeng magdulot pa ng impeksyon (tetanus). Ang Tamang First Aid (Ang Dapat Gawin): Kapag nakagat o nakalmot ng aso o pusa (kahit alaga pa 'yan o hindi): 1. Hugas: Hugasan AGAD ang sugat gamit ang sabon at running water nang tuloy-tuloy sa loob ng 10-15 minuto. Ito ang pinakamahalagang step para mabawasan ang virus. 2. Disinfect: Lagyan ng alcohol o betadine. 3. Bakuna: Pumunta agad sa pinakamalapit na Animal Bite Center. Kailangan mo ng Anti-Rabies Vaccine at minsan ay Tetanus Toxoid. Observe the Animal: Kung aso mo ang nakakagat, itali ito at obserbahan ng 14 days. Kapag namatay, naglaway, o nagbago ang ugali ng aso, delikado 'yon. Pero huwag mo nang antaying mamatay ang aso bago ka magpabakuna. Magpabakuna agad. Tandaan: Huwag manghinayang sa pera pang-bakuna. Buhay mo ang nakataya.

Read Full Article
LIFESTYLE & WELLNESS

Aray! Rayuma at Gout: Bawal ba Talaga ang Monggo?

Madalas itong mangyari sa madaling araw—magigising ka na lang na sobrang sakit, pula, at mainit ang hinlalaki ng iyong paa. Ni hindi mo madapuan ng kumot sa sobrang hapdi. Ito ang classic na atake ng Gouty Arthritis. Ano ang Gout? Ito ay ang pagtaas ng Uric Acid sa katawan. Kapag sumobra ang uric acid, namumuo ito at nagiging kristal (parang bubog) sa ating mga kasu-kasuan, kaya ganoon na lang katindi ang sakit. Ang Mito ng Monggo: • Myth: "Kumain ako ng monggo kaya sumumpong ang Gout ko." • Fact: Ayon sa mga bagong pag-aaral, ang beans at gulay ay may moderate purines lang at hindi gaano nakakataas ng uric acid kumpara sa ibang pagkain. Ang Tunay na mga Bawal (High Purine Foods): Kung may Gout ka, ito ang dapat mong iwasan: 1. Alak: Lalo na ang beer. Pinipigilan nito ang paglabas ng uric acid sa ihi. 2. Lamang-loob: Isaw, atay, bato, at utak. 3. Red Meat: Sobrang karne ng baboy at baka. 4. Matatamis na Inumin: Softdrinks at sweetened juices. Paano Maiiwasan ang Sumpong? Uminom ng maraming tubig (8-10 baso araw-araw). Ang tubig ay tumutulong na "banlawan" ang uric acid palabas sa iyong kidney. Kung niresetahan ng Allopurinol o Colchicine, inumin ito base sa payo ng doktor, hindi kung kailan lang masakit.

Read Full Article
CHRONIC DISEASES

High Blood Pressure: Ang "Silent Killer" na Tumatama Kahit Walang Sintomas

"Masakit ang batok ko, high blood yata ako." Ito ang madalas nating marinig. Pero ang totoo, ang High Blood Pressure o Hypertension ay madalas walang ipinapakitang sintomas. Maaaring mataas na ang presyon mo habang naglalakad, nagtatrabaho, o nakikipagkwentuhan nang hindi mo namamalayan. Kaya naman tinatawag itong "The Silent Killer." Ano ang High Blood Pressure? Ito ay ang kondisyon kung saan ang pwersa ng dugo na dumadaloy sa iyong mga ugat ay sobrang lakas. Kapag nagtagal, pinahihina nito ang iyong puso at sinisira ang mga ugat na pwedeng magdulot ng Heart Attack, Stroke, o Kidney Failure. Ang Maling Akala (Myths vs. Facts): Myth: "Bata pa ako, hindi ako maha-high blood." Fact: Kahit nasa 20s o 30s ay pwedeng magkaroon nito dahil sa stress, lifestyle, at lahi. Myth: "Okay na pakiramdam ko, titigil ko na maintenance ko." Fact: Malaking mali ito. Ang gamot sa high blood ay para mapanatiling normal ang BP. Kapag itinigil mo ito nang walang payo ng doktor, pwedeng sumipa pataas ang BP mo (Rebound Hypertension). Paano Maiiwasan at Makokontrol? 1. Bawasan ang Alat: Hinay-hinay sa sawsawan (patis, bagoong, toyo) at mga processed foods (de lata, noodles, chichirya). 2. Galaw-galaw: Ang simpleng paglalakad ng 30 minuto araw-araw ay malaking tulong sa puso. 3. Monitor Your BP: Ugaliing magpa-check ng BP kahit walang nararamdaman. Ang normal na BP ay karaniwang nasa 120/80 pababa. 4. Sundin ang Doktor: Kung niresetahan ka ng maintenance, inumin ito sa tamang oras. Kailan Dapat Pumunta sa Ospital? Kung ang iyong BP ay lumampas sa 180/120 at nakakaramdam ka ng pananakit ng dibdib, panglalabo ng mata, hirap sa pagsasalita, o matinding sakit ng ulo, pumunta agad sa Emergency Room. Tandaan: Ang High Blood ay hindi gumagaling, pero ito ay kontrolado. Nasa iyong mga kamay (at disiplina) ang iyong kaligtasan.

Read Full Article
Lifestyle & Wellness

Ang Panganib ng Paninigarilyo (Yosi) at Paano Tumigil

Walang "ligtas" na level ng paninigarilyo. Bawat hithit ng yosi ay nagpapasok ng libo-libong kemikal sa katawan na nagdudulot ng cancer, sakit sa puso, at sakit sa baga. Ang Epekto sa Katawan COPD (Chronic Obstructive Pulmonary Disease): Ito ang sakit kung saan nasisira ang baga at hirap na hirap huminga ang pasyente habang buhay. Lung Cancer: Ang paninigarilyo ang number 1 cause ng cancer sa baga. Secondhand Smoke: Ang usok na binubuga mo ay mas delikado para sa iyong asawa at mga anak na nakakalanghap nito. Pwede silang magka-hika o pulmonya dahil sa bisyo mo. Tips para Tumigil (Smoking Cessation) Mahirap tumigil, pero kaya mo ito: Set a Date: Magtakda ng araw kung kailan ka titigil (Cold Turkey o unti-unti). Alisin ang Temptasyon: Itapon ang lahat ng yosi, lighter, at ashtray sa bahay. Maghanap ng Kapalit: Kapag hinahanap ng bibig ang yosi, ngumuya ng bubblegum, kumain ng candy, o uminom ng tubig. Isipin ang Pamilya: Gawing inspirasyon ang kalusugan ng iyong mga anak at ang matitipid na pera. Kung hirap kang tumigil mag-isa, lumapit sa aming doktor para sa Smoking Cessation program. Ligtas ang may malinis na baga.

Read Full Article
Reproductive Health

Family Planning: Planadong Pamilya, Panalo ang Kinabukasan

Ang Family Planning ay hindi lang tungkol sa paglilimita ng anak. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng tamang agwat (spacing) sa panganganak para maka-recover ang katawan ni nanay at mabigyan ng sapat na atensyon ang bawat anak. Benepisyo ng Family Planning Para kay Nanay: Naiiwasan ang komplikasyon ng sunod-sunod na pagbubuntis. Nakakabalik din siya sa trabaho o gawaing bahay nang mas malakas. Para kay Baby: Mas malusog ang bata dahil nakukuha niya ang buong atensyon at gatas ng ina nang walang kaagaw agad. Para sa Tatay: Mas magaan ang responsibilidad sa pinansyal dahil napaghahandaan ang pagdating ng susunod na anak. Mga Pamamaraan Maraming libreng methods sa PPH at health centers: Pills: Iniinom araw-araw. Injectables: Turok kada 3 buwan. Implant: Maliit na rod sa braso, tumatagal ng 3 taon. IUD: Inilalagay sa matris, tumatagal ng 10-12 taon. Condom: Proteksyon din sa mga sakit (STD). BTL at Vasectomy: Permanenteng paraan kung tapos na ang pamilya. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Kumonsulta sa ating Family Planning doctors para malaman kung anong method ang hiyang sa iyo.

Read Full Article
Dental Care

Dental Health: Bakit Hindi Dapat Binubunot Agad ang Ngipin?

Marami sa atin ang pumupunta lang sa dentista kapag sumasakit na ang ngipin at gusto na itong ipabunot. Pero alam niyo ba na ang pagbubunot dapat ang huling opsyon? Kahalagahan ng Ngipin Ang bawat ngipin ay may function – pang-kagat, pang-nguya, at pang-suporta sa hugis ng mukha. Kapag nabunutan, pwedeng gumalaw ang ibang ngipin, mahirapan kumain, at bumaba ang self-confidence. Paano Aalagaan ang Ngipin? Brush: Mag-sipilyo dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Siguraduhing abot pati ang likurang ngipin. Floss: Ang sipilyo ay hindi nakakaabot sa singit-singit ng ngipin. Gumamit ng dental floss para tanggalin ang tinga. Bawas Matamis: Ang asukal ang pagkain ng bacteria na sumisira sa ngipin. Iwasan ang laging pagkain ng candy at softdrinks. Regular Visit: Bumisita sa PPH Dental Clinic kada 6 na buwan para sa cleaning (prophylaxis) at checkup. Kailan Pwedeng Bunutan? Binubunot lang ang ngipin kapag: Sobrang sira na at hindi na kayang pastahan (fillings). May malalang impeksyon na pwedeng kumalat. Sagabal sa pagtubo ng ibang ngipin (tulad ng wisdom tooth). Ingatan ang ngiti. Magpa-schedule na sa ating Dental Clinic.

Read Full Article
Maternal & Child Health

Breastfeeding: Ang "Gatas ni Nanay" ay Walang Katumbas

Sa PPH, kami ay "Mother-Baby Friendly Hospital". Ibig sabihin, isinusulong namin ang Pure Breastfeeding para sa mga sanggol mula pagkapanganak hanggang 6 na buwan. Bakit Breastmilk ang Best? Kumpletong Nutrisyon: Ang gatas ng ina ay may tamang balanse ng vitamins, protein, at fats na kailangan ni baby para sa utak at katawan. Wala itong katulad sa formula milk. Unang Bakuna: Ang "Colostrum" o yung unang gatas na madilaw ay puno ng antibodies. Ito ang unang panlaban ni baby sa mga sakit tulad ng ubo, sipon, at diarrhea. Mas Matalino: Ayon sa mga pag-aaral, mas mataas ang IQ ng mga batang na-breastfeed. Tipid: Hindi na kailangang bumili ng mahal na gatas, bote, at magpakulo ng tubig. Tips para sa mga Nanay Unang Yakap: Pagkapanganak, ilalagay agad si baby sa dibdib ni mommy (Unang Yakap) para magsimulang dumede. Huwag Stressin: Ang paggawa ng gatas ay depende sa laway ni baby (suckling) at sa peace of mind ni mommy. Kung stress si mommy, pwedeng humina ang gatas. Kumain ng masabaw na ulam tulad ng tinola at malunggay. Bawal ang Tubig: Ang breastmilk ay 80% water. Hindi na kailangang painumin ng tubig si baby kung siya ay pure breastfeeding. Para sa mga katanungan, lumapit sa aming Breastfeeding Support Group sa ospital.

Read Full Article
Public Health

Leptospirosis: Ang Banta ng Baha at Ihi ng Daga

Dahil ang Pangasinan ay madalas bahain tuwing tag-ulan, mataas ang kaso ng Leptospirosis sa ating probinsya. Ito ay sakit na nakukuha mula sa ihi ng mga hayop, lalo na ng daga, na humahalo sa baha. Paano Nakukuha ang Leptospirosis? Kapag lumusong ka sa baha at mayroon kang sugat (kahit maliit na hiwa o galos) sa paa o binti, pwedeng pumasok ang bacteria na Leptospira. Pwede rin itong makuha kung natalsikan ng maduming tubig ang mata o ilong. Sintomas Mataas na lagnat. Matinding sakit ng ulo. Pananakit ng kalamnan, lalo na sa binti (calves). Pamumula ng mata. Paninilaw ng balat (Jaundice) at hirap umihi sa malalang kaso. Prevention Tips Iwasan ang Lumusong: Kung hindi kailangan, huwag lumusong sa baha. Mag-Boots: Kung kailangang lumusong, magsuot ng bota para protektado ang paa. Hugas Agad: Pag-ahon sa baha, hugasan agad ang paa ng sabon at tubig. Doxycycline: Kung ikaw ay lumusong sa baha, pumunta sa health center para mabigyan ng prophylaxis (gamot pang-iwas). Huwag itong inumin nang walang payo ng doktor. Ang Leptospirosis ay nakamamatay kapag nasira ang kidney at atay. Maging listo tuwing tag-ulan.

Read Full Article
Emergency Health

Stroke Awareness: Alamin ang F.A.S.T. Method

Ang Stroke ay nangyayari kapag nabarahan o pumutok ang ugat sa utak. Ito ay isang emergency – "Time is Brain". Ibig sabihin, sa bawat minutong lumilipas na hindi naaagapan ang stroke, milyon-milyong brain cells ang namamatay. Ang F.A.S.T. Method Para malaman kung na-iistroke ang isang tao, tandaan ang F.A.S.T.: F (Face): Ipanigniti ang pasyente. Mayroon bang side ng mukha na laylay o hindi gumagalaw? A (Arms): Ipaas ang dalawang kamay. Mayroon bang isang kamay na bumabagsak o mahina? S (Speech): Kausapin ang pasyente. Bulol ba siya magsalita o hindi maintindihan ang sinasabi? T (Time): Kapag nakita ang alinman sa mga ito, tumawag agad ng tulong o dalhin sa ospital. Oras ang kalaban. Paano Makakaiwas sa Stroke? Ang stroke ay kadalasang resulta ng High Blood Pressure, High Cholesterol, at Paninigarilyo. Kontrolin ang BP: Siguraduhing umiinom ng maintenance. Tigilan ang Paninigarilyo: Pinapatigas nito ang mga ugat. Magbawas ng Timbang: Ang sobrang taba ay nagpapataas ng cholesterol. Huwag hintaying mangyari ito. Ang regular na checkup sa PPH-OPD ay makakatulong para ma-monitor ang iyong BP at Cholesterol.

Read Full Article
Infectious Diseases

Pulmonya (Pneumonia): Lagnat at Ubo na Hindi Dapat Balewalain

Ang Pneumonia o pulmonya ay impeksyon sa baga na pwedeng maging delikado, lalo na sa mga bata (0-5 years old) at sa mga matatanda (Senior Citizens). Sa katunayan, ito ay isa sa mga top causes ng pagkamatay sa bansa. Ano ang Sanhi Nito? Hindi ito nakukuha sa "natuyuan ng pawis" sa likod, bagamat ang pagpapawis ay pwedeng magpababa ng resistensya. Ang pneumonia ay galing sa bacteria, virus, o fungi na nalalanghap o naipapasa ng ibang tao. Sintomas ng Pulmonya Mataas na lagnat at panginginig. Ubo na may plema (minsan ay kulay dilaw, berde, o may dugo). Hirap sa paghinga o mabilis na paghinga. Pananakit ng dibdib kapag umuubo o humihinga. Paano Ito Maiiwasan? Bakuna: Mayroon tayong libreng bakuna sa health center laban sa Pneumonia (PCV) para sa mga sanggol at Flu vaccine para sa mga seniors. Palakasin ang Resistensya: Kumain ng masustansya at matulog nang sapat. Iwas Usok: Ang usok ng sigarilyo at polusyon ay nagpapahina sa baga. Magtakip ng Bibig: Ugaliing magtakip kapag umuubo para hindi makahawa. Kung ang ubo at lagnat ay hindi gumagaling ng ilang araw, pumunta agad sa PPH Emergency Room o OPD para ma-Xray at mabigyan ng gamot.

Read Full Article
Chronic Diseases

Iwas Kidney Failure: Paano Alagaan ang Ating Bato?

Ang Kidney Failure o pagkasira ng bato ay isa sa pinakamagastos na sakit. Ang dialysis ay kailangang gawin ng 2-3 beses sa isang linggo habang buhay, maliban na lang kung magpapa-kidney transplant. Kaya habang maaga pa, alagaan natin ang ating mga bato. Ang mga Kalaban ng Bato Asin (Sodium): Ang sobrang alat na pagkain tulad ng daing, tuyo, instant noodles, at junk food ay nagpapataas ng blood pressure na sumisira sa kidney. Asukal: Ang hindi kontroladong Diabetes ang numero unong sanhi ng kidney failure sa Pilipinas. Softdrinks at Iced Tea: Ang mga inuming ito ay puno ng chemicals at asukal na nagpapahirap sa trabaho ng kidney. Pain Relievers: Ang madalas na pag-inom ng gamot sa rayuma o kirot nang walang payo ng doktor ay nakakasira ng bato sa katagalan. Paano Malalaman kung May Sira ang Bato? Sa simula, wala itong sintomas. Pero kapag malala na, pwedeng maranasan ang: Pagmanas ng paa at mukha. Paghina ng ihi. Hirap sa paghinga. Pangangati ng balat. Pagkahilo at pagsusuka. Ang susi ay "Prevention". Uminom ng tubig, bawasan ang alat, at magpa-checkup ng Creatinine level sa dugo lalo na kung may high blood o diabetes.

Read Full Article
General Health

UTI (Urinary Tract Infection): Simpleng Sakit na Pwedeng Lumala

Ang Urinary Tract Infection o UTI ay isa sa pinakamadalas na rason kung bakit pumupunta ang mga pasyente sa PPH-OPD. Ito ay ang impeksyon sa daluyan ng ihi na kadalasang sanhi ng bacteria. Sintomas ng UTI Mahapdi o masakit na pag-ihi (dysuria). Madalas na pag-ihi pero pakonti-konti lang ang lumalabas. Pananakit ng puson o balakang. Minsan ay may kasamang lagnat at dugo sa ihi. Bakit Madalas Magka-UTI ang Babae? Mas maikli ang urethra (daanan ng ihi) ng mga babae kumpara sa lalaki, kaya mas mabilis makapasok ang bacteria. Pero pwede ring magka-UTI ang mga lalaki lalo na kung may problema sa prostate. Paano Ito Maiiwasan? 1. Uminom ng Maraming Tubig: Ito ang pinakamabisang panlaban. Ang pag-inom ng 8-10 baso ng tubig ay nakakatulong na "i-flush out" ang bacteria. 2. Huwag Pigilan ang Ihi: Kapag naiihi na, ilabas agad. Ang pagpigil ay nagpaparami ng bacteria sa pantog. 3. Tamang Paghuhugas: Para sa mga kababaihan, maghugas mula harap palikod (front to back) para hindi mapunta ang dumi sa daluyan ng ihi. 4. Bawasan ang Softdrinks at Maalat: Ang maalat at matamis na inumin ay nagpapahirap sa ating bato at pantog. Kung may nararamdaman, magpa-urinalysis agad sa ating laboratoryo para mabigyan ng tamang antibiotics. Huwag uminom ng gamot nang walang reseta!

Read Full Article
Mental Health

Usapang Mental Health: Paano Labanan ang Stress at Anxiety?

Sa panahon ngayon, hindi lang pisikal na katawan ang nagkakasakit. Marami sa atin ang nakakaranas ng matinding stress, lungkot, at pangamba. Ang Mental Health ay kasing-halaga ng Physical Health. Hindi dapat ikahiya ang paghingi ng tulong. Ano ang Anxiety at Depression? Normal lang malungkot paminsan-minsan. Pero kapag ang lungkot ay tumatagal na ng ilang linggo, nawawalan ka na ng gana kumain, hindi makatulog, o nawawalan ng interes sa mga bagay na dati mong gusto, maaaring senyales na ito ng Depression. Ang Anxiety naman ay ang labis na pag-aalala na parang laging may masamang mangyayari, na sinasabayan ng mabilis na tibok ng puso at hirap sa paghinga. Self-Care Tips para sa Mental Wellness Matulog nang Sapat: Ang kakulangan sa tulog ay nagpapalala ng init ng ulo at stress. Digital Detox: Bawasan ang pagbababad sa social media lalo na kung puro negative news ang nakikita mo. Makipag-usap: Huwag sarilinin ang problema. Kausapin ang kaibigan, kapamilya, o asawa. Ang paglalabas ng saloobin ay malaking ginhawa. Humingi ng Tulong Propesyonal: Kung hindi na kaya, lumapit sa eksperto. Ang Pangasinan Provincial Hospital ay may mga doktor at nurses na handang makinig at tumulong. Tandaan: It's okay not to be okay. Ang pag-amin na kailangan mo ng tulong ay tanda ng katapangan, hindi kahinaan. Alagaan ang ating isipan para sa mas masayang pamumuhay.

Read Full Article
Nutrition & Wellness

Pinggang Pinoy: Gabay sa Tamang Nutrisyon para sa Pamilya

"Rice is Life" ika nga ng karamihan sa atin. Pero alam niyo ba na ang sobrang pagkain ng kanin na walang kasamang sapat na gulay at protina ay hindi balanse? Para maging malusog, inilunsad ng gobyerno ang Pinggang Pinoy guide. Ano ang nasa Pinggang Pinoy? Isipin mo ang iyong plato. Hatiin ito sa tatlong parte: Go Foods (Energy Giving): Ito ang kanin, tinapay, o root crops. Dapat ay 1/4 lang ng plato ang sakop nito. Ito ang nagbibigay lakas para makapagtrabaho. Grow Foods (Body Building): Ito ang isda, manok, karne, itlog, o beans. Dapat ay nasa 1/4 din ng plato. Ito ay para sa muscles at paglaki. Glow Foods (Body Regulating): Ito ang pinakamahalaga—Gulay at Prutas. Dapat ay kalahati (1/2) ng plato ay puno ng gulay. Dito natin nakukuha ang vitamins at minerals para hindi sakitin. Tubig: Ang Nakakalimutan na Sangkap Bukod sa pagkain, importante ang pag-inom ng 8-10 baso ng tubig araw-araw. Iwasan ang mga sugary drinks tulad ng iced tea, softdrinks, at palamig na mataas sa asukal. Tips para Makatipid pero Healthy Bumili ng gulay na napapanahon (in season) dahil mas mura ito. Magtanim ng sariling gulay sa bakuran. Iwasan ang mga processed foods tulad ng hotdog, luncheon meat, at noodles dahil mataas ito sa sodium (asin) na masama sa bato. Ang tamang nutrisyon ay hindi kailangang mahal. Nasa tamang balanse at pagpili lang yan.

Read Full Article
Infectious Diseases

Ubo na Hindi Gumagaling? Alamin ang Tungkol sa Tuberculosis (TB)

Ang Tuberculosis o TB ay isa pa ring malaking problema sa Pilipinas. Ito ay sanhi ng bacteria na Mycobacterium tuberculosis na kadalasang umaatake sa baga. Ang good news? Ang TB ay nagagamot at pwedeng gumaling nang tuluyan basta't susunod sa gamutan. Paano ito Nakakahawa? Ang TB ay airborne. Ibig sabihin, kapag ang isang taong may aktibong TB ay umubo, bumahing, o nagsalita, tumatalsik ang maliliit na droplets na may bacteria sa hangin. Kapag nalanghap ito ng iba, pwede silang mahawa. Tandaan, hindi ito nakukuha sa paggamit ng kutsara't tinidor o pagpapahiram ng damit, pero mas mainam pa rin ang pag-iingat. Sintomas ng TB Magpakonsulta agad sa PPH-OPD kung nararanasan mo ito: Ubong tumatagal ng 2 linggo o higit pa. Pag-uubo na may kasamang dugo. Lagnat lalo na sa hapon. Pagpapawis sa gabi (night sweats). Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Ang DOTS Program Huwag matakot magpagamot dahil mahal ang gamot. Sa ilalim ng National TB Control Program, LIBRE ang gamutan sa mga health centers at government hospitals. Ang tawag dito ay DOTS (Directly Observed Treatment, Short-course). Ang kailangan lang ay disiplina. Kailangang inumin ang gamot araw-araw sa loob ng 6 na buwan nang walang palya. Kapag itinigil mo ang gamutan, pwedeng maging "Drug Resistant" ang TB at mas mahirap na itong gamutin. Magpa-Xray at Sputum test na para makasigurado.

Read Full Article
Pediatrics

Bakuna para kay Baby: Bakit Hindi Dapat Matakot ang mga Magulang?

Ang kalusugan ng ating mga anak ang pinakamahalagang yaman ng bawat pamilya. Isa sa mga pinakamabisang paraan para protektahan sila laban sa mga nakamamatay na sakit ay ang Pagbabakuna o Immunization. Ang Herd Immunity Kapag ang karamihan sa mga bata sa komunidad ay bakunado, nababawasan ang tyansa na kumalat ang virus. Ito ang tinatawag na "Herd Immunity." Kapag hindi mo pinabakunahan ang iyong anak, hindi lang siya ang inilalagay mo sa panganib kundi pati na rin ang ibang bata sa paligid. Mga Sakit na Kayang Pigilan ng Bakuna Sa PPH-OPD Pediatric Clinic, itinataguyod namin ang kumpletong bakuna laban sa: Measles (Tigdas): Isang nakakahawang sakit na pwedeng magdulot ng pulmonya at pagkabulag. Polio: Sakit na pwedeng maging sanhi ng pagkalumpo habang-buhay. Hepatitis B: Impeksyon sa atay na pwedeng mauwi sa liver cancer pagtanda. Tuberculosis: Ang BCG vaccine ay ibinibigay pagkapanganak pa lamang para proteksyon sa TB. Ligtas ba ang Bakuna? Opo. Ang mga bakunang ginagamit ng Department of Health (DOH) at ng ating ospital ay dumaan sa masusing pag-aaral ng mga eksperto sa buong mundo. Ang karaniwang side effects tulad ng sinat o pamamaga sa tinurukan ay normal lamang at senyales na gumagana ang immune system ng bata. Paalala sa mga Magulang Dalahin ang "Baby Book" tuwing magpapakonsulta. Huwag palampasin ang schedule ng bakuna. Ang prevention ay laging mas mura at mas mainam kaysa sa pagpapagamot. Bisitahin ang aming Pediatric Department para sa karagdagang impormasyon.

Read Full Article
Chronic Diseases

Diabetes sa Pilipinas: Sintomas, Komplikasyon, at Paano Ito Maiiwasan

Ang Diabetes ay isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkakasakit ng mga Pilipino. Dahil sa ating hilig sa kanin, matatamis na kakanin, at softdrinks, pataas nang pataas ang bilang ng mga may "sugar" o Diabetes sa ating bansa. Pero ano nga ba ang sakit na ito at paano ito nakakaapekto sa ating katawan? Ano ang Diabetes? Ang Diabetes ay isang kondisyon kung saan ang ating katawan ay nahihirapang kontrolin ang level ng asukal (glucose) sa dugo. Ito ay dahil sa kakulangan ng insulin o hindi na tinatanggap ng katawan ang insulin nang maayos. Mga Sintomas na Dapat Bantayan Huwag balewalain kung nararamdaman mo ang mga sumusunod: Madalas na pag-ihi (Polyuria): Lalo na sa gabi, pabalik-balik ka sa CR. Labis na uhaw (Polydipsia): Pakiramdam mo ay laging tuyo ang lalamunan kahit kakatapos lang uminom. Labis na gutom (Polyphagia): Kahit kumain ka na, parang gutom ka pa rin. Mabagal na paghilom ng sugat: Ang simpleng galos ay inaabot ng ilang linggo bago gumaling. Panlalabo ng paningin: Epekto ito ng mataas na sugar sa mga ugat sa mata. Ang mga Delikadong Komplikasyon Kapag hindi naagapan, ang Diabetes ay pwedeng mauwi sa: Kidney Failure: Maraming diabetic ang nauuwi sa dialysis dahil nasisira ang bato. Diabetic Foot: Kawalan ng pakiramdam sa paa na pwedeng mauwi sa impeksyon at pagkaputol ng paa. Heart Attack at Stroke: Pinahihina ng asukal ang mga ugat sa puso at utak. Paano Ito Maiiwasan? Ang PPH-OPD ay nagpapaalala na ang lifestyle change ang pinakamabisang gamot: Bawasan ang kanin at matatamis. Mag-ehersisyo ng 30 minuto araw-araw. Panatilihin ang tamang timbang. Kung may reseta na, inumin ang maintenance medicine sa tamang oras. Kung ikaw ay may lahi ng Diabetes o nararamdaman ang mga sintomas sa itaas, magpa-schedule na ng checkup sa aming Internal Medicine department para sa fasting blood sugar test.

Read Full Article
Hospital Guidelines

Paano Gamitin ang PPH Online Appointment System: Step-by-Step Guide

Pagod ka na ba sa mahabang pila tuwing magpapa-checkup? Ang Pangasinan Provincial Hospital Out-Patient Department (PPH-OPD) ay mayroon nang solusyon para sa iyo. Gamit ang aming bagong Online Appointment System, maaari ka nang mag-book ng schedule ng iyong checkup habang nasa bahay. Bakit Kailangang Mag-Online Booking? Ang layunin ng system na ito ay mabawasan ang siksikan sa ospital at masiguro na ang bawat pasyente ay mabibigyan ng sapat na oras ng aming mga doktor. Ito ay ligtas, mabilis, at libre para sa lahat ng Pangasinense. Paano Mag-Register? Bisitahin ang Website: Pumunta sa pphopd.online gamit ang iyong cellphone o computer. Piliin ang Type of Patient: I-click kung ikaw ay "New Patient" (Bagong Pasyente) o "Old Patient" (Dati nang may record). Pumili ng Clinic: Hanapin ang serbisyong kailangan mo (halimbawa: OB-GYNE, Pediatrics, Surgery, o Animal Bite Center). Pumili ng Petsa: Tignan ang calendar at piliin ang araw na available ang doktor. Kumpirmasyon: Matapos i-submit ang form, hintayin ang confirmation message o ticket number. I-screenshot ito dahil ito ang iyong ipapakita sa guard pagdating sa ospital. Mga Paalala Bago Pumunta Dumating ng 30 minutes bago ang iyong scheduled time. Dalahin ang iyong valid ID at confirmation screenshot. Kung hindi makakarating, i-cancel ang appointment para mabigyan ng slot ang ibang pasyente. Sa tulong ng teknolohiya, mas pinapadali natin ang serbisyong medikal para sa bawat pamilyang Pangasinense.

Read Full Article
Maternal Health

Paghahanda para sa Prenatal Checkup

Ang regular na Prenatal Checkup ay napakahalaga para masiguro ang kaligtasan ng ina at ng sanggol sa sinapupunan. Bago pumunta sa ospital, siguraduhing dala ang inyong "Mother and Child Book" at valid ID. Magsuot ng komportableng damit at uminom ng sapat na tubig. Sa PPH-OPD, sinusuri namin ang bigat, blood pressure, at heartbeat ng baby upang maagapan ang mga komplikasyon gaya ng gestational diabetes o pre-eclampsia. Huwag kaligtaan ang inyong iskedyul.

Read Full Article
General Health

Bakit Mahalaga ang Regular na OPD Checkup?

Huwag nang hintaying lumala ang nararamdaman bago magpakonsulta. Ang Out-Patient Department (OPD) ay dinesenyo para sa "early detection" at pag-manage ng mga sakit habang maaga pa. Kung ikaw ay may maintenance medicines para sa high blood o diabetes, mahalagang makita ka ng doktor regular para ma-adjust ang gamutan kung kinakailangan. Ang maagang pagpapakonsulta ay nakakatulong upang maiwasan ang pagka-confine sa ospital at mas makatipid sa gastusin sa kalusugan.

Read Full Article
Public Health

Iwas Dengue: Ang 4S Strategy

Ang Dengue ay nananatiling banta sa ating probinsya lalo na tuwing tag-ulan. Sundin ang 4S Kontra Dengue: (1) Search and destroy mosquito breeding sites tulad ng mga pasong may tubig at lumang gulong; (2) Self-protection measures gaya ng pagsusuot ng mahabang damit; (3) Seek early consultation kapag may lagnat na ng 2 araw; at (4) Say yes to fogging only when there is an outbreak. Kapag nakaranas ng lagnat, sakit ng ulo, o pantal, mag-book agad ng appointment sa aming Medical Clinic.

Read Full Article

Bakit PPH-OPD ang Dapat Piliin?

Ang Pangasinan Provincial Hospital Out-Patient Department (PPH-OPD) ay nananatiling tapat sa misyong maghatid ng de-kalidad, abot-kamay, at maasahang serbisyong medikal para sa bawat Pangasinense. Ang aming Online Appointment System ay inilunsad bilang tugon sa pangangailangan ng publiko para sa mas mabilis, ligtas, at organisadong proseso ng konsultasyon. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang oras ng paghihintay at naiiwasan ang siksikan sa ospital.



Kami ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga serbisyong espesyalisado kabilang ang OB-GYNE para sa mga nagdadalang-tao, Pediatrics para sa mga bata, Internal Medicine, Surgery, Animal Bite Treatment, at Dental Care. Ang aming pasilidad ay nilagyan ng mga makabagong kagamitang medikal at pinatatakbo ng mga doktor, nars, at kawani na may mataas na kasanayan at tunay na malasakit sa inyong kalusugan.



Mula sa routine checkup hanggang sa mga espesyal na pangangailangang medikal, ang PPH ay handang maglingkod nang may puso at dedikasyon. Ang inyong kalusugan at kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad.

OPD Schedule

General OPD Schedule

Our Out-Patient Department provides a comprehensive range of services. Please refer to the posted schedule for clinic availability and timings.

Monthly Schedule

Monthly Doctor's Roster

Schedules may vary monthly. We post regular updates to keep you informed. Please check here for the latest doctor assignments and availability.

View Full Roster

ALITUNTUNIN

Mga dapat tandaan sa pag-book ng appointment

Pumili ng Tamang Petsa at Oras

Siguraduhin na piliin ang tamang petsa at oras para sa iyong appointment. Ang oras na iyong pipiliin ay ang oras kung kailan ka dapat nasa OPD.

Tumpak na Impormasyon

Pakitiyak na lahat ng impormasyong iyong ilalagay (Pangalan, Contact Number, atbp.) ay tama, kumpleto, at tumpak upang maiwasan ang anumang problema.

Suriin ang Kumpirmasyon sa Email

Palaging suriin ang iyong email para sa kumpirmasyon ng iyong matagumpay na booking. Ito ay iyong ipapakita sa guwardiya sa pagpasok sa ospital at sa OPD Triage.

Suriin ang Iyong Appointment sa "View Tomorrow's/Today's Confirmed List"

Ang "View Tomorrow's Confirmed List" ay isang feature kung saan makikita mo ang listahan ng lahat ng pasyenteng kumpirmado ang appointment para sa susunod na araw (bukas), ayon sa oras na naka-schedule sa kanila.

Saan Ito Makikita? Makikita mo ang button na ito sa pangunahing pahina ng Appointment System.

Kailan Ito Gagamitin? Ito ay ginagamit upang doblehin ang kumpirmasyon kung ang iyong pangalan ay kasama na sa opisyal na listahan ng mga pasyente ng OPD para bukas.

Paano Gamitin?

1. I-click ang "View Tomorrow's Confirmed List" button.

2. Pumili ng Clinic (e.g., OB-GYN Clinic) gamit ang dropdown.

3. Hanapin ang iyong Pangalan sa listahan.

Mahalaga:

Kung makita mo ang iyong pangalan, tiyaking nasa ospital ka na bago o sa mismong oras na nakasaad (hal. 7:00 AM) upang maiwasan ang anumang abala.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong pasyente (TOTAL) para sa araw na iyon ay nakasaad din sa itaas.

DR. CIPRIANO C. FERNANDEZ

DR. CIPRIANO C. FERNANDEZ

CHIEF OF HOSPITAL II

DR. LORDWIN POSADAS

DR. LORDWIN POSADAS

OIC CHIEF OF CLINICS

DR. JUANCHO G MAMARADLO

DR. JUANCHO G MAMARADLO

HEAD, OPD MANAGEMENT TEAM

ROWENA R. SORIANO

ROWENA R. SORIANO

NURSE V CHIEF NURSE

THELMA C. BERNAL

THELMA C. BERNAL

OIC ASSISTANT CHIEF NURSE

MARIEL M. PALOLA

MARIEL M. PALOLA

AREA SUPERVISOR

ARIANE JOY E. KIAT

ARIANE JOY E. KIAT

HEAD NURSE

LENI S. TALUBAN

LENI S. TALUBAN

HEAD NURSE

Frequently Asked Questions

How do I book an online appointment? (Video Guide)

You can book an appointment by clicking any "Book Now" button. For a complete walkthrough, please watch the video guide below.

Nakapag Online Booking Appointment na ako, kailangan ko pa bang pumunta ng maaga sa PPH para kumuha ng Queuing Number sa Security Guard sa may OPD?

Hindi mo kailangang pumunta ng napakaaga sa PPH para lang kumuha ng Que number sa guard ng napakaaga kagaya ng dati na may pumupuntang mga OB-Gyne Patient na madaling araw palang (2:00 am , 3:00 am) ay may pumupunta na sila. Dapat maaga ka lamang ng isang oras depende sa Time Slot na pina booked mo, halimbawa ang pinabooked mong Slot ay 7:00 am dapat ay 6:00 am andoon kana sa OPD, kung 10:00 am ang pina booked mo dapat ay 9:00 am nandoon ka na sa OPD.

Kung nasa PPH na ako at dumating naman doon ng mas maaga at nandoon na ako isang oras bago ang pina booked kung appointment time slot. Kailangan ko pa bang kumuha ng Queuing Number sa security Guard?

Opo Kailangan parin, ang Queuing Number na ibinibigay ng security guard ay para ma organized parin ang pila para sa Triage (Nurse), Registration, Printing area atbp. kaya kailangan mo parin talaga ng Queuing Number pag nasa OPD area kana pag dumating ka doon.